Hindi na babalik

Hanggang ngayon ang sakit at ang hirap tanggapin na hindi ka na babalik hon. Hindi ko talaga matanggap na panandalian lang ang lahat. Miss na miss Kita hon, sobra. 

Nami-miss ko ang lahat tungkol sa iyo. 
Ang paglalambing mo,
Ang pag-aalala mo,
Ang ngiti mo,
Ang tawa mo,Ang boses mo, 
Ang presensiya mo. 

Lahat ng tungkol sa iyo, lahat ng magpapaalala sa akin ng mga bagay-bagay tungkol sa iyo, ikakalulungkot ko kasi ipapaalala nito yung mga oras na nawala sa atin...sa atin ng mga bata. 

Gusto ko isipin na nasa mabuti ka ng kalagayan kaso bakit hindi na lang kasi sa piling namin? Ang saya-saya natin hon, tapos sa isang iglap wala na ang lahat ng iyon. 

Paano nga ba ituloy ang buhay ng wala ka? Ang hirap-hirap, hon. SOBRA.

Popular posts from this blog

TWO MONTHS IN HEAVEN